Arestado sa operasyon ang Special Operation Unit- Maritime Group Coron katuwang ang DENR CENRO-Coron sa Sitio Kelyen, Barangay Decalatchao, Coron, Palawan nitong ika-28 ng Enero 2022 ang tatlong indibidwal.
Ang mga nahuli ay si Jonel Ebina y Manungol 32 anyos, Ardie Lera y Tsiptaw, 28 anyos at Sandrex Dayada y Braganza, 24.
Ayon sa ulat ng Maritime Group, nakuha sa posisyon nila ang humigit kumulang 281 na board feet ng sari-sasing tabla na may tinatayang halaga na 12,663.00 na walang kaukulang papeles.
Ang mga ibidensya at nahuling mga indibidwal ay dinala sa 2nd SOU-MG Coron Detachment, Taytay SBU.
Nahaharap ang mga nahuli sa paglabag sa Presidential Decree 705, Section 77 ( Cutting, gathering and slash or collecting Timber or other forest product without license) sa ilalim ng Forestry Reform Code of the Philippines.