Magkapatid, patay matapos makuryente

Patay ang magkapatid matapos na makuryente sa Brgy Marcella, Uson, Masbate.

Kinilala ang mga ito na sina John Mark Diamos Dumagan, 14-anyos, estudyante at kapatid nito na si Jay, 30-anyos, binata, embalsamador at kapwa naninirahan sa nasabing barangay.

Sa pahayag sa Brigada News ng WCPD ng Uson MPS, unang naiulat na nawawala ng halos dalawang araw na si John Mark.

Read More:  Six NPA members surrender in Camarines Sur, turn over firearms and explosives

Kasama ang isang Barangay Tanod at kapatid na si Jay, natagpuan nila ang naaagnas nang bangkay ni John Mark at nang makita ito ni Jay ay agad na sumugod ito sa bangkay ng kapatid at niyakap ito.

Read More:  Ambulance carrying patient collides with taxi in Cebu City

Ayon sa nakasaksi na Tanod, hindi umano alam ni Jay na nakuyente ang kapatid at nang pagyakap nito sa bangkay ay nahawakan din nito ang live wire na nasa tabi pa ng mga labi ng biktima.

Naisugod pa si Jay sa ospital subalit namatay din ito habang nilalapatan ng lunas.