Magkainuman, sugatan matapos magtagaan sa Gumaca, Quezon

Sugatan ang dalawang lalaki matapos magtagaan ang mga ito sa Barangay Lagyo, Gumaca, Quezon nitong Sabado.

Batay sa report, magkainuman umano noon ang biktimang si Lope, 68-anyos at ang suspek na si Alfredo, 72-anyos kasama ang isa pang lalaki nang magkaroon ng alitan sa pagitan ng dalawa.

Read More:  63-year-old fish vendor shot in Cebu City by riding-in-tandem gunmen

Umuwi sa kanilang tahanan para kumuha ng bolo ang suspek at nang makabalik ay doon na nito tinaga ang biktima.

Gayunpaman, nagawang depensahan ng biktima ang kanyang sarili gamit ang kanyang bolo at saka tinaga ang suspek.

Read More:  Slain rebels in southern Negros responsible for 26 civilian killings since 2025, Army says

Parehong sugatan si Lope at Alfredo kung kaya isinugod ang mga ito sa hospital para malapatan ng lunas.

Sa ngayon, arestado na ng awtoridad ang suspek habang patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.