Magarbong handaan sa kaarawan ni Pangulong Marcos, pagwawalang-bahala sa paghihirap ng mga Pilipino – kongresista

Tinawag ni House Deputy Minority Leader France Castro na “insensitive” ang kumakalat na litrato ng umano’y magarbong selebrasyon ng kaarawan ni Pangulong Bongbong Marcos sa isang hotel sa Pasay City.

Ayon kay Castro, kahit sabihing ginastusan ito ng mga kaibigan ng pangulo ay hindi pa rin magandang tingnan ang pagtitipon sa harap ng pinagdaraanang hirap ng mga Pilipino.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ipinamamalas aniya nito ang magkaibang mundo ng mayayaman at ordinaryong mamamayan lalo’t mayroon pang performance ang English pop rock band na Duran Duran.

Punto ng kongresista, hindi mapagtatakpan ng pagmamagandang-loob ng mga kaibigan ni Marcos ang pagsasawalang-bahala sa pagdurusa ng mga Pinoy para lamang makuha ang pangangailangan.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Iginiit pa ni Castro na bagama’t nilinaw na ng Palasyo na walang pera ng taumbayan na ginastos sa handaan, dapat maging ehemplo ng kababaang-loob at pagdamay ang mga leader ng bansa sa panahon ng matinding hamon.