Mabalacat city, nangunguna sa mga LGU sa Central Luzon pagdating sa vaccination coverage

Nangunguna ang Mabalacat City sa buong Central Luzon, pagdating sa COVID vaccination coverage.

Base sa datos ng Department of the Interior and Local Government o DILG, nasa mahigit 96 percent ng target population ng Mabalacat ang naturukan na ng unang dose ng Covid-19 vaccine .

Read More:  Army conducts live-fire exercises as HRAN flags risks to Sipalay residents

Habang nasa mahigit 78 percent naman ang mga fully vaccinated.

Samantala, pumapangalawa naman ang Balanga City sa may pinaka mabilis na vaccination roll-out, na sinundan ng City of San Fernando, San Jose Del Monte, Bagac, Meycauayan, Angeles City, Palayan City, Mariveles at Malolos City.

Read More:  5 injured after military vehicle overturns and plunges into creek in Aklan