KORONADAL CITY- BINUKSAN na sa publiko ng provincial government ng South Cotabato ang marker para sa namayapang master Dreamweaver na si Fu Yabing Masalon Dulo. Ito ay makikita sa Sitio Amgu-o, Barangay Landan, Polomolok.
Inihayag ni Arts and Culture Coordinator Indira Cagaanan na layon ng paglalagay ng naturang marker na mapaigting ang awareness ng publiko sa mga itinatagong yaman ng South Cotabato lalo na sa mga kabataan.
Ito ay bahagi ng Information Education Campaign ng Arts and Culture Section kaugnay sa mga cultural icons ng probinsya.
Ang Tabih ni Fu Yabing ang isa sa mga importanteng kontribusyon sa indigenous fabric ng Pilipinas.
Ang marker ni Fu Yabing ang pinakauna sa mga historical o heritage marker na ilalagay ng Arts and Culture sa iba’t ibang lugar sa lalawigan.
