Namataan ng PAGASA ang low pressure area sa 1,285 kilometers east northeast ng extreme northern Luzon.
Pero ayon sa weather bureau, wala itong direktang epekto sa anumang bahagi ng bansa at maliit ang tsansang maging bagyo.
Sa gitna nito, ang habagat parin ang patuloy na magdadala ng mga pag-ulan sa northern at Central Luzon.
Kaugnay nito, iiral ang maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Ilocos Region at mga probinsya ng Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at Palawan dahil sa southwest moonson.
Pinapayuhan ang mga apektadong residente na maging handa laban sa posibleng flash floods o landslides sa oras ng katamtaman hanggang sa malakas ang ulan.
Samantala, ang Metro Manila at ibang bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rain showers dahil rin sa habagay at localized thunderstorms. // MHEL PACIA-TRINIDAD