Long-term strategies, dapat nang isabay sa short-term measures upang patuloy na bumaba ang presyo ng bilihin

Whole-of-government approach ang pangunahing dahilan kung bakit mas naging abot-kaya umano ang presyo ng bilihin para sa mga Pilipino.

Ito ang paniniwala ni House Committee on Appropriations Chairman Elizaldy Co matapos maitala sa 1.9 percent ang inflation rate nitong Setyembre na pinakamababa sa nakalipas na apat na taon.

Ayon kay Co, lubhang nakatulong ang pagtapyas sa rice import tariffs mula 35 percent patungong 15 percent kaya nagmura ang bilihin.

Read More:  Greenpeace Philippines insists ASEAN Summit protest was peaceful

Pero ang short-term measures aniya ay dapat may kalakip na long-term strategies kabilang ang legacy projects ni Pangulong Bongbong Marcos sa food security upang palakasin ang lokal na produksyon sa agrikultura.

Paliwanag ng kongresista, kailangang gawing prayoridad ang pagpapaigting sa food security sa pamamagitan ng suporta sa mga magsasaka.

Read More:  Comelec insists 2028 national elections will push through

Kasabay nito, tiniyak ni Co na handa ang Kongreso na magpasa ng mga panukalang batas at maglalaan ng kinakailangang pondo upang tulungan ang sektor.

Dagdag pa ni Co, mahalaga ang pagpapabuti sa irrigation systems, pagtatayo ng post-harvest facilities at pagbibigay ng access sa de kalidad na mga binhi at modernong teknolohiya.