Rider, patay matapos barilin sa Maynila

Dead-on-the-spot ang isang lalaking motorcycle rider matapos barilin sa Malate, Maynila.

Alas sais kagabi nang mangyari ang krimen.

Ayon sa pulisya, binabaybay ng biktima ang southbound lane ng Osmeña highway nang dikitan ito nang riding in tandem at pinaulanan ng bala.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang nangyaring krimen.

Patuloy namang tinutugis ang mga suspek na agad nakatakas matapos ang insidente.