Convenience store sa Cavite, hinoldap

Natangay ang kinita ng isang convenience store Brgy. Tejeros Convention, Rosario, Cavite makaraang pasukin at holdapin ng isang lalaki.

Sa ulat ng Rosario Municipal Police Station sa Police Regional Office Calabarzon, alas 2:30 ng madaling araw nang pumasok ang lalaking suspeks na tinatayang 5’5” ang taas at nakasuot ng itim na jacket at facemask at nagkunwaring customer.

Dumiretso ito sa cashier, tinutukan ito ng baril, saka nagdeklara ng holdap

Nakuha ang ₱10,000 na kita ng convenience store

Matapos nito agad na tumakas ang suspek.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang suspek sa pangho-holdap.