LOCAL DRRMO OFFICERS, sasabak sa training ng airforce bilang paghahanda sa maaring kaharaping sakuna sa rehiyon

Sasabak sa training ng Philippine Air Force ang mga Local Disaster Risk Reduction and Management Officers bilang paghahanda sa maaring kaharaping kalamidad ng rehiyon sa mga susunod na buwan.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Lt. Col. Sadiri Tabutol, ang group commander ng Tactical Operations Group 2, ang Air2ground Operation ay kasalukuyang isinasagawa kung saan ang mga DRRMO Officers ang sasabak sa training.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Aniya, ito ay isang training para sa humanitarian assistance and disaster response kung saan ang mga nabanggit na trainers ay magsisilbing force multiplier upang matulungan ang Air Force sa pagmando sa mga air assets upang mapabilis ang pagtulong sa gitna ng kalamidad.

Ayon pa kay Lt. Col. Tabutol, nakipag-ugnayan ang grupo sa mga Provincial Disaster Risk Management Office at Council upang isagawa ang Air2ground Operation Seminar Training.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Ito aniya ay isa sa nakitang pagpapabuti sa isasagawang mga rescue operations matapos maranasan ang malawakang pagbaha dulot ng nagdaang bagyong Ulysses.

Tiniyak naman ni Lt.Col Tabutol na gagawin ng TOG2 ang mga nkikitang pamamaraan upang makapagsilbi sa oras ng anumang sakuna na kahaharapin ng rehiyon.