Bilang ng mga estudyanteng nagdrop-out sa Cauayan City, bumaba – SDO Cauayan

Bumaba ang bilang ng mga naitalang drop out na mga estudyante sa Cauayan City sa ilalim ng nagpapatuloy na distance learning.

Ito ang kinumpirma ni SDO Cauayan Schools Division Superintendent Dr. Alfredo Gumaru Jr. sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Ayon kay Dr. Gumaru, nasa 0.064% o katumbas ng 22 na estudyante ang naitalang nagdrop-out mula sa kabuoang 34, 203 learners sa elementarya at sekondarya nang magsimula ang pandemya.

Read More:  Motorcycle used for livelihood stolen in Puerto Princesa City; owner appeals for return

Sa naturang datos, 7 ang mula sa elementarya, 5 sa senior high school at 10 sa junior high school.

Mas mababa umano ito kumpara noong nakaraang school year.

Batay sa pag-aaral ng SDO Cauayan, ilan aniya sa nakikitang dahilan ay ang nararanasang kahirapan kung kayat napipilitan sila na magtrabaho na lamang sa murang edad sa gitna ng pandemya.

Read More:  Drunk brother-in-law kills mother, injures teen over ₱500 debt in Negros Oriental

Ikinokonsidera rin na drop-out na ang mga estudyanteng lilipat sa ibang paaralan kasama ang mga hindi na makapag-comply sa mga modules.

Naagapan umano ito dahil sa agarang natukoy ng SDO Cauayan ang mga estudyanteng gustong magdrop-out kung saan tinatawagan ang mga ito ng 5 beses o pupuntahan ng mga guro sa kanilang tahanan upang makausap na ituloy ang pag-aaral.