5 LGU sa Sorsogon isasailalim sa assessment on local governance ng DSWD KALAHI-CIDSS

SORSOGON CITY – Ang DSWD Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services o KALAHI-CIDSS ay magsasagawa ng pagtatasa ng kapasidad para sa 31 LGU sa rehiyong Bicol kung saan ang lima dito ay mangagaling sa lalawigan ng Sorsogon.

Kinabibilangan ito ng LGUs ng Donsol, Pilar, Castilla, Gubat at Bulan.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sa nasabing assessment, susukatin dito ang kakayahan at kahandaan ng LGUs na lumahok at isagawa ang pagpapatupad ng mga programa sa taong ito.

Susuriin din ang pag-gogobyerno gamit ang 9 na UNDP o United Nations Development Programme bilang performance assessment indicators kagaya ng participation o pakikilahok, rule of law o tuntunin ng batas, transparency, responsiveness o kakayahan tumugon, consensus orientation o pinagkasunduan, equity o pagkapantay-pantay at effectiveness and efficiency o pagiging epektibo at kahusayan.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ang mga LGUs na ito ay natukoy batay sa kanilang poverty incidence, income class, number of barangays at naapektuhan ng mga sakuna mula 2014-2020.