‘Libreng Sakay’ Program, inilunsad ng Bicol University Student Council

LEGAZPI CITY – Inilunsad ng Bicol University Student Council ang “Libreng Sakay” program para sa mga estudytante ng nasabing pamantasan sa unang linggo ng pagbabalik ng klase.

Sa tulong ng AGAPAY Bueño, isang programa ng nasabing konseho, nakipag-ugnayan at nakipagtulungan ang USC sa iba’t ibang mga lokal na pamahalaan at government administrators upang maisaktuparan ang libreng sakay sa mga mag-aaral.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Ang nabanggit na programa ay eksklusibo lamang para sa mga estudyante ng BU at epektibo mula ikalabing lima hanggang ika labing siyam ng Agosto.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Nilalayon ng Libreng Sakay Program at ng BUSC na makatulong sa pagpapagaan sa pinansiyal at pagko-commute sa mga mag-aaral.