KORONADAL CITY- TINUTUTUKAN ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Region 12 ang bentahan ng iligal na droga online at ang paggamit ng mga courier services sa delivery nito.
Inihayag ni PDEA 12 regional director Naravy Duquiatan na may mga group chat na ang mga sindikato at ito ay kanilang tinatanggal at pinapalitan ng bago oras na may mahuling mga miyembro nito dahilan kung bakit nahihirapan sila sa pag-trace sa mga online drug sellers.
May mga drug personalities din aniya na tine-text na lang sa kanilang mga buyers kung saan iiwan at kukunin ang binili nitong illegal drugs.
Ngunit ayon kay Duquiatan na may mga innovations na sila upang mas mapaigting ang kampanya kontra droga at paghuli sa mga online drug sellers.
Ang naturang modus ay ginagamit hindi lamang sa Koronadal City sa South Cotabato kundi sa iba pang lugar sa bansa.
