LGU-Mobo, naglunsad ng Modern Solid Waste Management Facility na magko-convert ng basura para mapagkakitaan

SORSOGON CITY – Kabuuang 2-hectare square perimeter land sa Brgy Tabuc, Mobo, Masbate ang gagawing isang modernong Solid Waste Management Facility (SWMF).

Pangkalahatang-ideya ng edipisyo ng bagong SWMF ang slogan na “Reduce, Reuse, Recycle.’’

Sinimulan ng mga technicians ang isang demo kung saan ipinakita dito ang mga kaalaman sa pagpapatakbo ng mga modernong composter machine na ginagamit sa pag-convert ng coconut husk sa fiber o hibla, pagbitak ng mga bote at plastic sa maliliit na piraso na gagawing eco-block sa loob lamang ng ilang minuto, paggutay-gutay ng mga sanga at tuyong dahon at iba pa.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Ang buong lugar ay maaaring ituring na planta ng pagproseso ng basura ng LGU na nilagyan ng makabagong kasangkapan na ginagamit para sa pagre-recycle ng ibat-ibang  uri ng basura, nabubulok man o magagamit muli kung ire-recycle.

Ayon sa alkalde ng bayan na si Raymond Osmuindo Salvacion, ang kanilang LGU ay may behikulo na ginagamit sa paghahakot ng basura.

Aniya pa, ang mga nabubulok na basura ay ginagamot ng mga kemikal na antibac upang maalis ang mabahong amoy bago ito hiwain pagkatapos ay itatapon sa isang palanggana na puno ng African night crawler o imported na African worm na kumakain ng dumi.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ang proseso na ito ay tinatawag umano na vermin culture, kung saan ang organikong pataba ay ginawa mula sa mga natutunaw na dumi ng uod.

Dagdag pa ng alkalde, ang organic fertilizer ay nagkakahalag sa merkado ng P800.00 kada bag o higit pa depende sa ‘law of supply and demand.’

‘’Ginawa ang proyektong ito para sa kapakinabangan ng Moboeṅos,’’ ayon pa sa alkalde.