LEGAZPI CITY – Arestado ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Albay ang bagong high value target sa ilegal na droga sa Purok 5 Barangay Puro lungsod ng Legazpi. Kinilala ang suspek na si Joseph Condes Mirabel residente ng nasabing barangay.
Ayon sa Pdea albay, umaga ng ikasa ng mga awtoridad ang buy bust operation laban sa suspek ng kumagat sa pain dito na inaresto ng mga pdea personnel si Mirabel matapos pagbentahan nito ng pinaniniwalaang shabu. Narekober sa kanya, mahigit kumulang sa 50 gramo na nagkakahalagang P340K, plastic bag at pera na ginamit sa buy bust operation.
Sa ngayon ay hawak na ng mg awtoridad ang suspek at inihahanda na rin ang kasong isasampa na RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.