Miyembro ng ‘Jetajobe Criminal Gang’ timbog sa buybust

SORSOGON CITY – Arestado ang 48-anyos na lalaki na umano’y miyembro ng ‘Jetajobe Drug Group’ sa ikinasang anti-illegal operations ng mga awtoridad sa Sitio Mahingan, Brgy Balogo sa lungsod ng Sorsogon.

Kinilala ang suspek na si Geronimo Corral Pura alias Jun, may asawa, tindero ng uling at naninirahan sa nasabing lugar.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Ayon sa ulat, positibo itong nakapagbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa isang poseur buyer kapalit ng P500.00 buy bust money.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Si Pura umano ay siya ring target ng COPLAN Sisid at nasa kategorya ng high value individual (HVI).

Ang buy-bust ay isinagawa 5:15 ng hapon, Disyembre 6 sa nasambit na lugar.