LGU Daraga, may 15 bagong hinirang na Barangay Nutrition Scholars

LEGAZPI CITY – May hinirang na 15 bagong Barangay Nutrition Scholars (BNS) ang lokal na pamahalaan ng Daraga sa probinsya ng Albay.

Ito ay may matapos silang sumailaim sa tatlong araw na Basic Course Training na layuning nakapagbigay sa kanila ng mas malawak na kaalaman kung papaano maging isang BNS, tulad ng kwalipikasyon, kaugalian, skills, responsibilidad lalo na ang pagsusulong ng Nutrition Program Management at Timbang Plus program kasama pa ang basics ng Food and Nutrition upang masiguro na matututukan ng husto ang sektor ng kalusugan sa bawat komunidad.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu
Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Mula ang mga bagong hirang na BNS sa mga barangay ng San Ramon, Nabasan, Dinoronan, Tabon-Tabon, Kinawitan, Sagpon, Maopi, Malabog, Budiao, Bagumbayan, Sipi, Matnog, Busay, Bigao, at Kiwalo ng naturang bayan.