LGU-Castilla, mamimigay ng P200 para sa mga magpapabakuna na senior citizen

SORSOGON CITY- Kinumpirma ng Alkalde ng bayan ng Castilla na mamimigay ang lokal na gobyerno ng nasbaing bayan  ng P200, pang bili ng snacks at pamasahe sa mga senior citizens na magpapaturok ng bakuna kontra Covid 19.

Ayon kay Isagani Bong Mendoza alkalde ng nasabing bayan, isang paraan ito ng LGU upang ipakita ang suporta sa hanay ng mga may edad na sa lugar na hirap tumungo sa kabayanan at vaccination sites upang maturukan ng vaccine.

Read More:  PDEA shuts down suspected drug den in Davao de Oro

Dagdag pa ng alkalde na katuwang nito sa isasagawang programa ang kompanya ng motorcycle dealer na Badjah kung saan magbibigay ito ng libreng sakay sa pamamagitan ng paghahatid at sundo ng magpapabakunang senior citizens sa lokalidad.

Read More:  PDEA seizes marijuana parcels, arrests one in Aklan

Sa pamamagitan umano nito ay mahihikayat ang mga matatanda na magpaturok ng vaccine.

Samantala, inaasahan naman na sisimulan ng LGU ang pamimigay ng nasabing tulong sa susunod na linggo o sa oras na dumating na ang mas maraming suplay ng bakuna sa bayan.