Umabot na sa 63.83 na porsyento o natukoy bilang nasa moderate risk na ang health capacity utilization rate sa lalawigan ng Isabela base sa DOH Hospital Use Classification.
Batay sa inilabas na datos ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw, August 14, 2021 ay nasa 457 beds na ang naokupa ng mga COVID-19 patients mula sa inilaang 716 hospital beds ng government at pribadong hospital sa lalawigan.
Dahil dito, tinatayang nasa 264 na lamang ang natitirang hospital beds na maaaring gamitin.
Muli namang hinikayat ni Isabela Governor Rodito Albano III at Vice Governor Bojie Dy ang publiko na sumunod sa health and safety protocols partikular sa pagsusuot ng dobleng facemask at face shield kapag papasok sa mga pampublikong opisina o establishimento.
Ugaliin din umanong maghugas ng kamay, obserbahan ang social distancing at magpabakuna na kontra COVID-19 ang mga kabilang sa priority list.