Mahigit 9K indibidwal sa lalawigan target na mabigyan ng ayuda sa ilalim ng DOLE TUPAD

SORSOGON CITY – Inihayag ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon na mahigit 9,000 indibidwal ang target nilang mabigyan ng tulong pinansiyal sa ilalim ng DOLE TUPAD program.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Elsie Toca ang tagapangasiwa ng pagrelease ng nasabing ayuda, mahigit P80M ang nakalaang pondo ng DOLE para sa lalawigan ng Sorsogon. Katumbas ito ng P9, 300.00 bawat isang benepisyaryo na pagsusumikapan nilang maibigay ngayong taon.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Ngunit paglilinaw ng opisyal, posibleng mabawasan ang nasabing bilang dahil sa ang ilang benepieyaryo ay hindi naman nagtrabaho o kaya hindi tinapos ang kani-kanilang kontrata na isang buwang pagtatrabaho sa LGU.

Read More:  68-year-old Cebu grandfather jailed over alleged begging freed after viral story

Sa ngayon, mahigit 6,000 benepisyaryo na ang nakatanggap ng kani- kanilang ayuda mula sa national government.