BNFM BICOL—Pumalo na sa 95% ang vaccination coverage ng mga fully vaccinated individuals sa lungsod ng Legazpi batay sa pinakahuling datus ng Bicol Vaccination Coverage.
Sa buong bayan at lungsod sa lalawigan ng Albay, ang Legazpi City ang may pinakamataas at may pinakaraming bilang ng mga nabakunahan na kontra COVID-19 kung saan nasa 21,599 na lamang na mga indibidwal ang hindi pa bakunado mula sa 149,047 na katumbas ng 70% target population.
Pawang nasa 79% na rin ang vaccination coverage sa bayan ng Tiwi at lungsod ng Tabaco at 75% naman sa lungsod ng Ligao. Nasa mahigit 50% na rin ang vaccination coverage sa iba pang mga bayan sa Albay maliban na lamang sa islang bayan ng Rapu-Rapu na nasa 32% pa lamang.###