Mga naitalang kaso ng COVID-19 sa Catanduanes pumalo na sa halos 3K

BNFM BICOL— Pumalo na sa halos tatlong libo o 2,965 ang bilang ng mga naitalang kaso ng COVID-19 sa islang lalawigan ng Catanduanes batay sa pinakahuling ulat ng Provincial Health Office.

Sa tala ng naturang tanggapan, nasa 158 ngayon ang aktibong kaso ng sakit sa probinsya matapos madagdagan ng 21 mga bagong kaso nitong araw ng Sabado.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Nasa 2,682 na rin ang recoveries makaraang maitala ang 26 na mga bagong gumaling habang isa naman ang naidagdag sa mga nasawi na sa ngayon ay nasa 128 na.

Sa 11 bayan sa islang probinsya ang bayan  ng Virac ang may pinakamaraming aktibong kaso na mayroong 45; 26 sa bayan ng San Andres; 18 sa Bato; 16 sa Bagamanoc; 12 sa Pandan; siyam ang active cases sa Caramoran; tagpi-pito ang mga bayan ng Baras, Viga, Panganiban at San Miguel at apat naman sa bayan ng Gigmoto.###

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil