Bicol region hindi pa rin nakikitaan ng ‘downward trend’ sa COVID-19 dahil sa patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso

BNFM BICOL—Hindi pa rin nakikitaan ng “downward trend” ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos na madagdagan ng 417 mga bagong kaso ng sakit ang rehiyon kahapon araw ng Linggo.

Batay sa ulat ng Department Of Health-Bicol, nasa 184 na mga bagong kaso ang naidagda sa Camarines Sur kung saan 105 sa mga ito ang mula sa Naga City; 12 sa bayan ng Pili; pito sa Libmanan; anim sa Iriga City at Ocampo; lima sa Nabua, Sipocot at Siruma; apat sa Lagonoy at Milaor; tatlo sa Camaligan at Canaman; dalawa sa Baao, Bombon, Calabanga at Pasacao at may tag-iisang kaso ang mga bayan ng Buhi, Bula, Caramoan, Goa, Lupi, Magarao, Minalabac, Ragay, Sagñay, San Fernando at Tigaon.

Ang probinsya ng Sorsogon ay nadagdagan ng 81 mga bagong kaso kung saan 49 dito ang mula sa Sorsogon City; anim sa Gubat; lima sa Donsol; apat sa Pilar at Prieto Diaz; tatlo sa Bulan at Magallanes; dalawa sa Casiguran at tag iisang kaso sa mga bayan ng Barcelona, Castilla, Irosin, Juban at Matnog.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Umabot naman sa 48 ang mga bagong kaso sa Albay kung saan 14 nito ang mula sa Legazpi City; siyam sa Daraga; lima sa Malilipot at Rapu-Rapu; tatlo sa Ligao City at Manito; dalawa sa Camalig at Tabaco City habang tag-iisa naman ang Bacacay, Libon, Guinobatan, Polangui at Sto. Domingo.

48 kaso rin ang naidagdag sa Camarines Norte kung saan 15 dito ang mula sa Basud; 13 sa Daet; apat sa Labo at Talisay; tatlo sa San Vicente at Vinzons; dalawa sa Paracale at tag-iisa sa Capalonga, Jose Panganiban, Mercedes at San Lorenzo Ruiz.

Sa mga island provinces sa Bicol, 44 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Masbate kung saan 13 nito ang mula sa Masbate City; walo sa Aroroy; lima sa Cataingan at Mobo; tatlo sa Uson; dalawa sa Dimasalang, Milagros at San Jacinto habang may tag-iisang kaso ang Cawayan, Esperanza, Palanas at San Pascual.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

May 11 kaso naman ang Catanduanes kung saan lima nito ang mula sa San Andres; dalawa sa Gigmoto at isa sa mga bayan ng Bagamanoc, Bato, Virac at Viga.

Isang kaso naman ang mula sa Baguio City ngunit ditto naitala sa Bicol.

Bunsod nito, umabot na sa 55,035 ang kumpirmadong kaso ng  COVID-19 sa Bicol kung saan 8,839 sa mga ito ang nananatiling aktibong kaso.

Nasa 44,167 na rin ang recoveries makaraang maiulat ang 233 mga bagong gumaling habang may isa namang naidagda sa mga nasawi kung kaya’t pumalo na sa 2,028 ang COVID-19 death toll sa Bicol.###