League of Filipino students, direktang tinukoy ng NICA na recruiter ng CPP sa mga colleges at universities

Direktang tinukoy ng National Intelligence Coordinating Agency o NICA ang League of Filipino Students na syang in-charge sa pag re-recruit ng mga estudyante sa colleges at universities para sumapi sa makakaliwang grupo.

Sa Bagong Pilipinas program, sinabi ni NICA Deputy Director General for Special Concerns Abelardo Villacorta, na target ng mga recruiter ang mga magagaling sa writing, journalism, at oration dahil sa mga propaganda activities ng CPP-NPA.

Anya, ang mga nagsasalita kapag may rally at protesta sa kalsada, sila kadalasan ang mga recruits ng CPP-NPA sa pamamagitan ng League of Filipino Students.

At kapag tuluyan na anyang napaniwala sa violent ideology ang mga nahikayat na estudyante, saka sila isasalang sa seminar at trainings hanggang maging underground member ng Kabataang Makabayan, na nagiging daan din nila para mapunta sa NPA at NDF.

Tiniyak naman ni Villacorta na maging sa cyberspace ay mahigpit silang magbabantay.

Aniya – sa social media ay may mga na-monitor silang mga nagpo-post nang ‘di maganda laban sa pamahalaan.

Sa oras na naman ma-identify nila ang target ng mga komunista na i-recruit sa kanilang organisasyon, ay kaagad daw nila itong ina-aksyunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *