PCO – tiniyak ang pagtataguyod sa malayang pamamahayag ngayong World Press Freedom Day

Tiniyak ng Palasyo na kaisa sila sa pagsusulong ng malayang pamamahayag.

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng World Press Freedom Day – binigyang-diin ng Presidential Communicaitons Office (PCO) ang kahalagahan ng kalayaan sa pamamahayag.

Dapat din umanong itaguyod at tiyakin ang kaligtasan ng mga media workers.

Nanawagan din ang PCO sa lahat ng sektor ng lipunan na magkaisa upang siguruhing ligtas at mapayapa ang kapaligiran para sa mga media workers.

Kasabay nito, tiniyak din ng ahensya ang pagsusulong ng mga hakbang at polisiya na naglalayong mapangalagaan at palakasin ang kalayaan sa pamamahayag sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *