Lalaking natutulog, hindi na nagising matapos barilin sa Sariaya, Quezon

Patay ang isang lalaki matapos itong barilin sa loob ng bahay nito sa Barangay Sampaloc 2, Sariaya, Quezon nitong Lunes, Mayo 27.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, natutulog umano noon ang 37-anyos na vendor nang dumating ang 27-anyos na suspek saka binaril ito sa batok na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu
Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Samantala, tumakas naman ang suspek matapos ang insidente.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang operasyon ng mga awtoridad upang madakip ang suspek at matukoy ang motibo nito sa pamamaril.