DEPED Bicol, may pahayag ukol sa viral video ng mga estudyanteng umano’y nati-Tiktok sa stage habang nasa graduation ceremony

LEGAZPI CITY – May pahayag na ang Department of Education (DEPED) Bicol tungkol sa viral video ng mga estudyanteng umano’y sumasayaw ng Tiktok steps sa stage habang nasa graduation ceremony.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay DEPED Bicol Regional Director Gilbert Sadsad, sinabi nito na hindi naman ipinagbabawal ang pagti-Tiktok subalit hindi sana dapat sa stage kung saan isinasagawa ang pagpaso at pagtanggap ng mga diploma.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ayon kay Sadsad, ang anumang closing ceremony tulad nito ay dapat maging solemn, memorable, at nirerespeto.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Samantala, aral umano ito upang sa sunod ay maglagay na lamang ng espasyo kung saan nila pwedeng gawin ang bagay na ito na hindi makakaistorbo sa iba.