NAGA CITY- Sugatan sa pananaksak dahil sa pagsingil ng utang ang 24-anyos na binata sa Sagrada Familia Brgy. Peñafrancia, Naga City.
Sa report ng Naga City Police Office, sinabing habang naglalakad ang biktimang si Jan Carmelo Cuaño y Macaayong bandang alas 7:45 Lunes ng gabi, nakita nito ang suspek na si r Ricky Espina y Vergara alyas “Bornok”, residente ng parehong lugar, sinabihan na magbayad ng utang.
Subalit nagalit ang suspek, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa, nagpasya na sanang umuwi ang biktima subalit inundayan ng saksak.
Nagawa pa ni Cuaño na makahingi ng tulong sa mga kaanak at nadala ito sa ospital.
Nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng PNP upang mahuli ang suspek na nanaksak dahil siningil ng utang.