Ibinunyag ni “Queen of All Media” Kris Aquino na magiging “tiny” at “super private” lamang ang magiging kasal nito kay dating Interior Secretary Mel Sarmiento.
Inihayag ito ni Kris matapos magkomento ng isang fan sa kanyang IG post kung saan ay sinabi na nag-aabang ito ng engrandeng wedding.
Gayunman, nag-reply si Kris na hindi mangyayari ang gusto ng netizen.
Sinabi ni Kris, “I don’t mean to be a spoiler nor disappoint you, but our wedding is going to be TINY and super private,”
