CAMARINES NORTE- Bumaba na sa 296 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Norte matapos ang mababang bilang ng mga naitatalang bagong kaso at sunod sunod na recoveries mula sa sakit
Kahapon sa tala ng DOH Bicol, 5 bagong kaso ang naitala kung saan dalawang bagong kaso mula sa Daet habang tig-i-isang kaso ang bayan ng Capalonga, Jose Panganiban at Labo
Naitala rin kahapon ang 3 recoveries at 8 kaso ng mga nasawi dahil sa COVID-19
Bunsod nito, may 296 na aktibong kaso ang lalawigan, patuloy naman sa pagakyat ang bilang ng mga pasyenteng gumagaling sa sakit na ngayon ay may 2,727
Habang umakyat rin sa 129 ang bilang ng mga nawalan ng buhay
Sumatotal, Mayroon ng 3,152 total cases ng COVID-19 ang probinsya
Tinitingnan namang isa sa mga dahilan ng pagbaba ng kaso ng sakit sa probinsya ay ang pagdami ng mga nababakunahan laban sa COVID-19
Kahapon sa panayam ng Brigada News FM Daet, Inihayag ni Acting Provincial Health Officer DR. Arnel Francisco na posibleng masimulan na anumang araw mula ngayon ang pagbabakuna kontra COVID- 19 sa mga 14- 17 anyos matapos ang advisory ang Department of Health ukol dito pero may mga dapat pa anyang ayusin.
Sa ngayon umaabot na sa mahigit 180, 000 katao ang nabakunahan sa lalawigan ng Camarines Norte hanggang nitong Martes, November 9, 2021.
