Lalaking dati nang nakakulong dahil sa kasong 2 counts of Rape, sinilbihan muli ng warrant of arrest dahil naman sa kasong Acts of Lasciviousness

CAMARINES NORTE- Sinilbihan muli ng warrant of arrest ang isang lalaking dati nang nakakulong dahil sa kasong Rape

Ang suspek na si Ariel Magdaraog y Tabo 44, magsasaka na taga Barangay Binatagan sa bayan ng Basud, Camarines Norte ay sinilbihan ng warrant of arrest kahapon dahil naman sa kasong Acts of Lasciviousness.

Nagrekomenda ang Regional Trial Court Branch 5 dito sa bayan ng Daet ng halagang P180, 000.00 na piyansa para sa kaniyang pansamantalang paglaya sa nabanggit na kaso.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Gayunman, hindi pa rin makakalabas ng piitan si Magdaraog dahil nahaharap ito sa kasong dalawang ulit na panghahalay.

Matatandaan na noong Lunes lang ay naaresto ito sa bayan ng Jose Panganiban.

Mababatid na halos sunod- sunod ang mga naaresto dahil sa kasong Rape nitong mga nagdaang araw.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Batay sa datos ng Camarines Norte Police Provincial Office umaabot na sa 25 ang mga naitatalang kaso ng rape mula Enero hanggang Hunyo nitong taon.

Mas mababa naman ito ng bahagya kumpara sa 30 sa parehong panahon noong isang taon.

(photo courtesy: CNPPO)