Kabilang ang Bgy. San Rafael, San Marcelino, Zambales sa limang barangay sa Central Luzon na lalaban sa Regional Outstanding Practice of MRF Operations.
Mula sa 3,102 baranggay sa rehiyon ay mapalad na napabilang ang barangay sa limang nominee.
Dahil dito ay pinaghahandaan na rin ng barangay ang National Competition on Organic Gardening.
Pinasalamatan ng pamunuan ang lahat ng mga nakiisa at sumuporta para makuha ang pagkilala sa mga ganitong kompetisyon.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Barangay San Rafael Official
