Juan Gomez de Liaño, ipinaliwanag ang kaniyang paglipat sa Japan B. League kasama ang kaniyang kapatid na si Javi

Magpapaalam na ang magkapatid na sina Juan at Javi Gomez de Liaño sa UP Fighting Maroons matapos nilang pumirma ng kontrata sa dalawang magkaibang kuponan sa Japanese B. League.

Maglalaro si Juan para sa Earthfriends Tokyo Z sa Division II habang ang kaniyang kuya Javi naman ay mapapabilang sa Ibaraki Robots, na naglalaro para sa Division I.

Read More:  UP Fighting Maroons extend winning streak to six after defeating Adamson in UAAP Season 89

Aminado ang dalawa na mahirap na desisyon para sa kanila na iwanan ang kanilang collegiate careers para sa B. League.

Pero sinabi ng dating UP stars na ito na ang tamang desisyon para sa kanila para sa pangmatagalan.

Read More:  JRU Heavy Bombers dominate Mapua, notch second win in NCAA Season 102

Ipinunto ni Juan na sa mga nakalipas na taon ay nakita nila na umuunlad ang B. League.

Inihayag ni Juan na marami silang pwede matutunan sa pagnuod lamang sa kanilang kompetisyon.