Lalaki, patay sa saksak sa Infanta, Quezon; 2 suspek, arestado

Patay ang isang lalaki matapos itong pagsasaksakin ng dalawang suspek sa Barangay Dinahican, Infanta, Quezon nitong Huwebes, Marso 7.

Kinilala ang biktimang si alyas “Frederick”, 42-anyos habang ang mga suspek naman ay sina alyas “Rafael”, 55-anyos at “Custodio”, 89-anyos.

Read More:  SRA backs NIR-wide offensive vs. invasive sugarcane pest

Ayon sa police report, nagkaroon umano ng alitan sa pagitan dalawang suspek at ng biktima kung saan ang biktima ay kumuha ng kutsilyo at inatake ang mga suspek.

Nagpambuno pa ang tatlo at naagaw ang kutsilyo sa biktima saka doon na ito makailang beses na pinagsasaksak.

Read More:  Man found dead wrapped in duct tape in Negros Occidental

Pare-parehong isinugod ang tatlo sa hospital para malapatan ng lunas subalit binawian ng buhay ang biktima.

Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad ang mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong Homicide.