Konsulta Package ng PhilHealth, iprinesinta sa mga empleyado ng City Gov’t sa Koronadal

KORONADAL CITY – UPANG masiguro na mapakinabangan ng mga empleyado ng city hall ang “Konsulta Package” ng PhilHealth, pinangunahan ng City Health Office o CHO ang pagparehistro ng mga benepisyaryo sa city hall lobby.

Ipinaliwanag ni Health Education and Promotion Officer o HEPO III Mylene B. Seliote na may libreng laboratory at mga gamot na maaaring mabenepisyuhan batay sa listahan ng “Konsulta Package.” Ayon sa kaniya, mahalagang magpakonsulta kahit isang beses sa isang taon kahit walang sakit upang masubaybayan ang estado ng pangkalusugan.

Read More:  Most wanted Masaronay group leader killed in police shootout in Lanao del Norte

Ang “Konsulta Package” bahagi ng programa ng Universal Health Care o UHC na nagbibigay ng libre na serbisyo na pangkalusugan sa bawat mga Filipino. Sa kasalukuyan, nagsagawa ng parehas na programa ang CHO sa 27 na mga barangay sa lungsod simula noong Lunes hanggang Biyernes.

Read More:  Canopy 25 project in Kidapawan reaches 4 million trees planted