Lalaki, patay matapos saksakin ng sariling ama sa Toboso, Negros Occidental

Patay ang isang 28-anyos na lalaki matapos saksakin ng sariling ama sa Sitio Mascovado Brgy. Poblacion bayan ng Toboso sa Negros Occidental, pasado alas-3 ng hapon, noong nakaraang araw.

Kinilala ang biktima na si Dionisio Sundo habang ang suspek ay kinilalang si Rolando Sundo, 68-anyos at residente ng nasabing lugar.

Read More:  Ambulance caught carrying ₱1.08 million smuggled cigarettes in Lanao del Norte

Ayon kay Police Major Jun Ray Batadlan, ang hepe ng Toboso PNP, magkasamang nag-iinuman ang mag-ama hanggang sa umano’y ang biktima ay nagwala at sinira ang mga pananim at ang kanilang bakod.

Dagdag pa ni Batadlan, gusto sana ng ama na matapos na ang kumosyon, ngunit sinuntok ito ng kanyang anak hanggang sa inawat na sila ng kanilang mga kaanak, ngunit patuloy na nanlaban ang biktima hanggang sa nasaksak ito ng kanyang ama ng folding knife at tinamaan sa dibdib.

Read More:  Veteran broadcaster found dead inside parked car in Cebu City  

Agad namang hinarap ng suspek ang mga pulis, ngunit pumirma sa affidavit of no interest ang asawa ng suspek dahil sa away pamilya ang nangyaring insedente.