Halaga ng nasabat na shabu sa isang shipment sa Manila International Container Port, lumobo pa sa P2.19B

Umabot ng humigit-kumulang P2.19 billion pesos ang halaga ng shabu na nasabat ng mga awtoridad sa isang shipment sa Manila International Container Port.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Ayon kay PNP Chief General Benjamin Acorda Jr., may kabuuang 1, 109 packs ng shabu ang laman ng kargamento na nagmula sa Mexico.

Idineklara ang mga ito bilang jerky beef—ngunit ito pala ay isang front para itago ang humigit-kumulang 320.184 kilos ng shabu.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang shipper at consignee ng kargamento.