Incumbent barangay kagawad na kumakandidatong pagka-chairman, patay sa Balamban, Cebu

Patay ang isang incumbent barangay kagawad ng Barangay Cansamuroy sa bayan ng Balamban, Cebu matapos itong barilin sa National Highway sa Barangay Prenza sa naturang bayan.

Kinilala ang biktima na si Anastacio Pacquiao, 60 anyos, at tumatakbo sana ito bilang barangay Chairman sa paparating na barangay at SK elections.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ayon kay Balamban Police Chief, Lt. Glenn Hife, ang biktima ay mula sa kanyang pamamahay bago naganap ang insidente.

Sinsabing habang sakay ito ng kanyang motorsiklo, pinaniniwalaang sinundan ito ng mga suspek kung saan, isang bala lang ng baril ang tumama sa ulo ni Pacquiao.

Matapos ang insidente daling dinala ang biktima sa Balamban District Hospital ngunit ideneklara na itong dead on arrival.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Sa ngayon may persons of interest na umanong sinusundan ang pulisya.

Patuloy ngayon ang isinagawang imbestigasyon ng otoridad upang malaman ang motibo ngunit kasama ngayon sa sinusundang anggulo ng pulisya ay ang personal grudge, away sa lupa kasama na rin ang politika.