Lalaki binaril ang asawa dahil sa selos

Wala nang buhay nang matagpuan ang isang babae sa kanilang bahay matapos umanong barilin ng kaniyang asawa dahil sa selos sa Dasmariñas, Cavite.

Ayon sa imbestigasyon, nagtamo ng tama sa leeg ang biktima na agad kumitil sa kanyang buhay.

Read More:  DepEd set to launch active shooter drills in schools

Nag-iinuman umano sa kanilang bahay ang biktima at ang kanyang asawa ng bigla silang magkaroon ng kwentuhan na nauwi na sa pagtatalo at pamamaril sa biktima.

Read More:  ‘Sigabo’ production attends MTRCB compliance seminar

Sa kasalukuyan, patuloy pa ring tinutugis ng mga otoridad ang suspek na tumakas sakay ng kaniyang motorsiklo matapos ang ginawang krimen.