Umabot na sa 981 ang kabuuang bilang ng storage facilities ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa buong bansa.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Juan Carlo Marquez, ang pinalawak na warehousing capacity ay nagdulot ng mas mabilis na pagresponde sa mga kalamidad at agarang pag-preposition ng food packs.
Kabilang dito ang 12 hubs, tatlong National Resource Operations Centers (NROC) sa Pasay, Valenzuela, at Paranaque, at Visayas Disaster Resource Centers (VDRC) sa Cebu.
May isang warehouse din na itinatayo sa Butuan City para sa Mindanao, kasama ang 75 spokes facilities at 894 last mile warehouses sa mga eographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA).