Nasawi ang 60 indibidwal matapos tumaob ang isang bangka sa Nigeria na sakay ang ilang kababaihan at mga bata pauwi mula sa isang religious festival.
Ayon sa chairman ng lokal na pamahalaan ng Mokwa na si Jibril Abdullahi Muregi, halos 300 mga pasahero ang lulan ng naturang bangka.
Tinatayang nasa 160 katao na ngayon ang nailigtas ng mga otoridad na sakay din ng naturang bangka.
Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operation sa lugar habang inaalam pa ang rason ng pagtaob ng bangka.