Kylie, tila may pasaring matapos ang rebelasyon ni Aljur

Nagbahagi ang aktres na si Kylie Padilla ng isang cryptic quote sa kaniyang Instagram story ilang oras lamang matapos basagin ni Aljur Abrenica ang kaniyang katahimikan kaugnay sa kanilang hiwalayan.

Mababasa sa quote, “Never underestimate a man’s ability to make you feel guilty for his mistakes.”

Read More:  Michelle Vito and Enzo Pineda get engaged after 7 years together

Na-share rin ng aktre na nakikinig siya sa mga kantang “Easy on Me” ni Adele; “Happier Than Ever” ni Billie Eilish; at “Wrecking Ball” ni Miley Cyrus.

Mababatid na umapela si Aljur kay Kylie na ilahad na ang buong katotohanan sa kanilang hiwalayan.

Read More:  Comedian Ate Gay dies at 55 after battle with cancer

Iginiit niya na dapat ay itigil na ni Kylie ang pagsisinungaling para lang sa sarili nitong kapakanan.

Ibinunyag rin ni Aljur sa kaniyang social media post na si Kylie talaga ang unang nangaliwa at sumira sa kanilang pamilya.