Naniniwala si four-division at WBC world bantamweight titleholder Nonito Donaire na si IBF world super flyweight world champion Jerwin Ancajas na ang posibleng maging sunod na flag bearer ng Philippine boxing.
Ayon kay Nonito, bukod sa pagiging southpaw, ay meron rin istilo at talento si Ancajas.
Dagdag niya, hindi lamang nagpapakawala ng malalakas na suntok si Ancajas, dahil makikitaan rin ito ng lateral movements.
Ganito rin ang paniniwala ng misis, manager ni Donaire na si Rachel.
Mababatid na hawak ngayon ng 29-anyos na si Ancajas ang record na 33-1-2 na may 22 knockouts, at sa ngayon ay matagumpay na niyang nadipensahan ang kaniyang titolo ng siyam na beses.
Kasalukuyang nasa USA si Ancajas kasama ang manager nito na si Joven Jimenez, habang hinihintay ang schedule ng kanilang ika-10 title defense.
