Kotse na hinihinalang ginamit sa ‘Rent-Sangla” scam, narekober!

Narekober ang isang kotse na hinihinalang tinangay matapos rentahan o “Rent-sangla” scam sa Puerto Princesa City.

Ito ay pagma-may ari ngayon ni Mark Joseph Tacugue ng Barangay San Jose, Puerto Princesa.

Ang Eco Sports ay nirentahan noong buwan ng Hulyo sa isang Rent a car center pero hindi daw agad naibalik kaya naghinala itong biktima siya ng modus.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Nang makita nitong nakalipas na Huwebes ng hapon sa Purok Kaakbayan sa Barangay Bgy. Tiniguiban ang sasakyan ay natiyak niya na ito na ang hinahanap na sasakyan.

Nilapitan niya ang behikulo at kinumpirma ang mga palantadaan dito.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Matapos iyon ay agad na nagreport si Joseph sa kinauukolan at nang puntahan nila ang kinarooonan ay may isang lalaki ang mabilis umanong lumabas sa sasakyan habang dala-dala ang susi.

Samantala, sa loob ng sasakyan ay may naiwang papeles, bag at cellphone na agad inimbestigahan ng pulisya.