LEGAZPI CITY – Arestado ang pitong kalalakihan sa ikinasang buy-bust operation sa Purok 4, Brgy. Pigcale, lunsod ng Legazpi sa lalawigan ng Albay.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Albay, gabi nang ikinasa ng mga otoridad ang Anti-Illegal Drugs Operation sa lugar kung saan positibong kumagat sa pain ang isa mga target na suspek nang pagbentahan nito ang nagpanggap na poseur buyer.
Nang makatunog ay dito na pinasok ng mga operatiba ang bahay ng suspek kung saan anim pa rito ang nahuli.
Narekober sa kanila ang tatlong piraso ng pinaniniwalaang shabu, non-drug items at iba pa.
Aabot sa P68K ang halaga ng shabung nasamsam mula sa mga suspek
Sa ngayon, ang auspek ay nasa kostudiya na ng PDEA RO5 para sa kaukulang disposisyon.