Walang masama sa pag- pyansa ko, binigyan lang ng malisya – Cong. Ed Hagedorn

Iginiit ni Palawan 3rd Disctrict Congressman Edward Hagedorn na walang malisya sa pag-pyansa niya kay Leobert Dasmariñas- ang isa sa suspek sa pagkawala ni Jovelyn Galleno.

Ayon kay Cong. Hagedorn, sinabi niyang walang masama sa kanyang ginawa subalit may ibang binibigyan ng malisya ang kanyang pagtulong.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Karapatan naman aniya ni Leobert na mag-pyansa at ang kasong iyon ay hindi tungkol sa pagkawala ni Jovelyn.

Pinabulaanan din ng mambabatas ang “tsismis” na kaya tinulungang makalabas si Dasmariñas ay para idiin si City Information Officer Richard C. Ligad at para idamay si City Mayor Lucilo Bayron.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Samantala, sa oras na lumabas aniya ang katotohanan at kung mapanatunayan na may kinalaman sa pagkawala ng dalaga si Dasmariñas, ay wala siyang magagawa dito at hindi niya ito po-proteksyonan.

Kung matatandaan, si Hagedorn ang unang nagbigay ng pabuya sa sinumang makapagtuturo ng suspek matapos maiulat ang pagkawala ni Jovelyn Galleno simula noong ika- 5 ng Agosto 2022.