Kiyomi at EJ, magsisilbi bilang flag bearers ng Pilipinas sa Tokyo Olympics

Magsisilbi ang pole vaulter na si EJ Obiena at ang judoka na si Kiyomi Watanabe bilang flag bearers ng Pilipinas sa opening ceremony ng 2021 Summer Olympics sa Tokyo, Japan ngayong buwan.

Inanunsyo ito ni Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino.

Ayon kay Tolentino, limitado lamang ang bilang ng mga tao na pwedeng sumama sa bawat delegasyon sa parada bilang bahagi ng safety measures laban sa COVID-19.

Ipinunto ni Tolentino na anim lamang bawat bansa ang papayagang magpartisipa sa parada.

Mababatid na meron 19 na atleta ang Pilipinas na lalahok sa pinakahuling edisyon ng quadrennial sports event, na tatakbo mula July 23 hanggang August 8.