Nauunawaan ng action star na si Robin Padilla kung totoong nangaliwa si Aljur Abrenica na asawa ng kaniyang anak na si Kylie Padilla.
Inihayag ito ni Robin sa panayam sa kanya ng talent manager na si Ogie Diaz matapos niyang kumpirmahin na hiwalay na ang celebrity couple.
Ayon kay Robin, natanong niya sa kaniyang anak kung agrabyado ba ito.
Ipinunto ni Robin na hindi ang naging sagot sa kaniya ni Kylie at sinabi na siya ang nakipaghiwalay kay Aljur.

Sinabi ng aktor na kalokohan na maituturing kung hindi magkakaroon ng pangangaliwa sa pagitan ng mag-asawa lalo na at sila ay nasa showbiz.
Aminado si Robin na maging siya ay nagkaroon rin ng maraming babae noon.
Iginiit rin ni Robin na hindi siya naniniwala na may lalaki ang kayang tumanggi sa tukso ng pambabae.
Sa kabila nito ay binigyang diin ni Robin na hindi niya na kailangan mangialam sa gusot nina Kylie at Aljur dahil gusot mag-asawa ito.